Isang lalaki na sangkot umano sa ilegal na droga ang naaresto sa bayan ng San Lorenzo Ruiz, Camarines Norte nitong Setyembre 24, 2024, bandang 11:55 ng gabi. Sa isang search warrant operation na isinagawa ng San Lorenzo Ruiz, katuwang ang CNPIU, at 1st CNPMFC, nasakote ang suspek na si alyas “Tomas,” 31 taong gulang, binata, at residente ng Barangay San Isidro, San Lorenzo Ruiz, Camarines Norte.
Isinagawa ang operasyon batay sa Search Warrant No. D-29-2024, na nilagdaan ni Hon. Executive Judge Evan Dizon noong Setyembre 19, 2024. Ang naturang operasyon ay may koordinasyon sa PDEA Region V at Provincial Prosecution Office.
Nakuha mula sa suspek ang pinaghihinalaang methamphetamine hydrochloride o “shabu,” na wala pang tiyak na timbang halaga. Ipinaalam kaagad sa suspek ang kanyang mga karapatan at mga paglabag sa batas bago siya dinala sa himpilan ng San Lorenzo Ruiz MPS para sa kaukulang disposisyon, pati na rin ang mga nakuhang ebidensya.
Source: CNPPO PIO