Bandang alas 8:34 ng gabi nitong Setyembre 29, 2024 nang isagawa ang isang drug buy-bust operation na pinangunahan ng mga tauhan hg Paracale MPS katuwang ng CN PDEU at CN 2nd PMFC na nagresulta sa pagkakadakip ng isang tulak umano ng iligal na droga sa Purok 6, Barangay Capacuan, Paracale, Camarines Norte.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Abet,” 46 taong gulang, isang construction worker, at residente ng nasabing lugar. Nadakip siya matapos makabili ang poseur buyer ng pulisya ng isang selyadong plastik na pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu. Bukod sa ipinagbabawal na droga, nakuha rin sa suspek ang isang calibre .38 na revolver na walang serial number at walang trademark, labindalawang (12) piraso ng bala, at isang (1) basyo ng bala. Kasama rin sa nakumpiska ang limang daang piso na may serial number na ES737002, anim (6) na maliit na pakete na naglalaman ng hinihinalang iligal na droga, at isa pang Php 500.00 na may serial number na AD3357428, na ginamit bilang buy-bust money. Dalawang piraso ng Php 1,000.00 boodle money ang kasama rin sa mga ebidensya.
Samantala, ang naarestong personahe ay kasalukuyang nasa kostudiya ng Paracale MPS para sa kaukulang disposisyon kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Source: CNPPO PIO