Nitong Oktubre 1, 2024 dakong 9:57 ng umaga, naaresto sa isinagawang operasyon ng Basud Municipal Police Station katuwang ang mga miyembro ng 503rd RMFB 5, CIDG CNPFU, Parañaque CPS SPD NCRPO, at San Pablo City Police Station ang isang lalaking itinuturing na Rank 8 Regional Most Wanted Person (RMWP) ng PRO 4A Calabarzon. Ang operasyon ay isinagawa sa Purok 4, Barangay Plaridel, Basud, Camarines Norte.
Kinilala ang suspek na si alyas “Tonyo,” 52 taong gulang, binata, isang magsasaka, at residente ng Guyabano St., Sampaloc Site 2, BF Homes, Parañaque City. Siya ay naaresto sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Rape, na walang kaukulang piyansa. Kasama rin sa mga kasong kinakaharap ng akusado ang apat (4) na bilang ng Rape by Sexual Assault, na may Php200,000.00 na rekomendadong piyansa bawat isa, at kasong Acts of Lasciviousness, na may Php180,000.00 piyansa.
Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Basud MPS para sa kaukulang disposisyon.
Source: CNPPO PIO