Ang Tulong Eskwela AKAP ni CamNorte 2D Representative Rosemarie Conejos Panotes ay patuloy na umaarangkada. Nitong October 5, 2024, naganap ang payout ng nasabing programa sa Basud Sports Complex sa bayan ng Basud, Camarines Norte katuwang ang DSWD para sa assessment.
Ang pondong ito ay mula sa kanyang pakikipag-ugnayan sa tanggapan nila Pangulong Bong Bong Marcos Jr. at ni House Speaker Martin Romualdez.
Binati at pinasalamatan rin ng kongresista ang mga magulang na nagsisikap na mapagtapos ang kani-kanilang mga anak sa pag-aaral. Sinabi rin ng kongresista na inspirasyon niya ang mga ito upang mas magpursige para sa padagos na magserbisyo sa segundo distrito ng Camarines Norte.

