GROUNDBREAKING CEREMONY NG ICONIC MANGUISOC BRIDGE PROJECT, ISINAGAWA NA!

GROUNDBREAKING CEREMONY NG ICONIC MANGUISOC BRIDGE PROJECT, ISINAGAWA NA!

Nitong lamang October 8, isinasawa ang groundbreaking ceremony ng Iconic Manguisoc Bridge Project ng pamahalaang panlalawigan sa Barangay 7 sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte.

Dinaluhan ito nina Senator Robin Padilla, Governor Ricarte ‘Dong’ Padilla, Vice Governor Joseph Ascutia, CamNorte 2D Representative Rosemarie Conejos Panotes, Regional Director Virgilio C. Eduarte at Assistant Regional Director Brigildo Fabian ng DPWH Bicol. Nakiisa rin sa seremonya ang ibang opisyal ng Sangguniang Panlalawigan at iba pang representative mula sa provincial office.

Ang nasabing proyekto ay magdudugtong sa 9 na poblacion barangay at 17 na coastal barangay ng bayan ng Mercedes at ilang mga barangay sa bayan ng Basud.

Ayon kay Gov. Padilla, ang proyektong ito ay nilaanan ng P200 milyon na pondo mula kay Senator Robin Padilla at P100 milyon naman mula sa DPWH. Dagdag pa ng gobernador sa 2025 ay madaragdagan pa ito ng P300 milyon at P200 milyon mula muli kay Senator Robin Padilla.

Ang Manguisoc Bridge ay magiging malaking tulong sa mga nakatira malapit sa tabing dagat, mapapadali na ang kanilang tranportasyon at pagbenta ng kanilang mga produkto lalo na ang mga nasa coastal area.

Magsisilbi rin itong atkraksyon sa mga turista at makakapagbigay ito ng kontribusyon sa paglago ng turismo ng bayan ng Mercedes at ng lalagiwan ng Camarines Norte.

smart