Mercedes, Camarines Norte – Isang intel-driven na anti-illegal drugs buy-bust operation ang iisinagawa ng mga operatiba ng Mercedes Municipal Drug Enforcement Unit , katuwang ang PDEU, PIU at Camarines Norte 1st Provincial Mobile Force Company sa pakikipagtulungan ng PDEA Regional Office V, nitong Oktubre 9, 2024, sa Purok 1-A, Barangay San Roque, Mercedes.
Sa pangunguna ni PCPT DAN-NILO F. CAPILI, Acting Chief of Police ng Mercedes Municipal Police Station, bandang 8:06 ng gabi, naaresto ang suspek na kinilalang si alyas “Joy,” isang ginang na sangkot umano sa ilegal na droga. Ang operasyon ay nagresulta sa pagkumpiska ng sumusunod na mga ebidensya:
• Limang (6) piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline substance na pinaghihinalaang shabu;
• Isang (1) piraso ng tunay na limang daang pisong (PhP 500.00) bill na buy-bust money;
• Limang (5) piraso ng boodle money na tig-limang daang piso (PhP 500.00) na lahat ay may serial number AE1397338.
• Walong (8) piraso ng boodle money na tig-iisang libong piso (PhP 1,000.00) na lahat ay may serial number A5330015.
Kaagad binasahan ng kanyang karapatan ang suspek matapos ang pag-aresto at siya ngayon ay nasa kustodiya ng Mercedes Municipal Police Station, kasama ang mga nakumpiskang ebidensya, para sa karampatang disposisyon at pagsasampa ng kaukulang kaso.
Ang operasyon na ito ay bahagi ng patuloy na kampanya ng PNP laban sa iligal na droga, bilang suporta sa mga programa ng pamahalaan para sa kapayapaan at kaayusan sa komunidad.
Source: CNPPO PIO