ARMADONG SUSPEK, ARESTADO NG PULISYA NG PARACALE SA ISINAGAWANG OPLAN BAKAL OPERATION

ARMADONG SUSPEK, ARESTADO NG PULISYA NG PARACALE SA ISINAGAWANG OPLAN BAKAL OPERATION

Paracale, Camarines Norte – Sa mabilis at maagap na aksyon ng mga tauhan ng Paracale MPS, nahuli ng mga pulis ang isang armadong lalaki sa isang Oplan Bakal operation sa mga videoke establishment sa lugar dakong alas 11:10 nitong October 12, 2024 sa P7-A Brgy. Bagumbayan, Paracale, Camarines Norte.

 Ang operasyon ay bahagi ng patuloy na kampanya ng PNP para mapanatili ang kapayapaan at kaayusan.

Habang nagpapatrolya, napansin ng mga pulis ang kahina-hinalang kilos ng isang lalaki na agad tumakas nang makita ang mga awtoridad. Mabilis na hinabol ng mga pulis ang suspek, na nagtangkang magpaputok ng baril. Para sa kanilang kaligtasan at ayon sa mga patakaran, nagpaputok ang pulisya at tinamaan ang suspek sa binti.

Narekober mula sa suspek ang isang Colt Caliber .45 pistol at mga bala. 

Ang suspek ay agad dinala sa Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH) para sa medikal na tulong, habang siniguro ng mga pulis ang kanyang seguridad at kustodiya.

Dahil sa mabilis na aksyon ng pulisya, napigilan ang anumang panganib sa publiko. Ang matagumpay na operasyong ito ay nagpapakita ng tunay na dedikasyon ng Paracale  MPS sa pagbabantay sa komunidad sa pamamagitan ng maagap na pagpapatrolya at mabilis na pagtugon sa mga posibleng banta. Patuloy na handang maglingkod ang pulisya upang tiyakin ang kaligtasan at seguridad ng bawat residente at mga bumibisita sa bayan ng Paracale.

Source: CNPPO PIO