LALAKING TULAK UMANO NG ILEGAL NA DROGA, TIMBOG SA DRUG BUY-BUST OPERATION SA JOSE PANGANIBAN

LALAKING TULAK UMANO NG ILEGAL NA DROGA, TIMBOG SA DRUG BUY-BUST OPERATION SA JOSE PANGANIBAN

Isang buy-bust operation na isinagawa ng mga operatiba ng Jose Panganiban MPS sa ilalim ng pamumuno ni PMAJ HERSON U MANEGDEG,  katuwang ang CNPIU at sa pakikipagtulungan sa PDEA Region V, ang nagresulta sa pagkaka-aresto ng isang lalaki na sangkot umano sa ilegal na droga.

 Ang operasyon ay naganap bandang alas-tres ng madaling araw nitong Oktubre 13, 2024, sa Purok 2, Barangay Sta. Milagrosa, Jose Panganiban, Camarines Norte.

Kinilala ang suspek sa alyas na “Rod,” 31 taong gulang, binata, at residente ng Purok 10, Barangay Larap, Jose Panganiban. Nahuli si “Rod” matapos na makabili ang isang operatibang poseur-buyer ng isang pakete ng hinihinalang shabu na nakasilid sa isang selyadong plastik na pakete (buy-bust item).

Bukod dito, narekober din mula sa kanyang pag-iingat ang mga sumusunod:

-Isang kaha ng sigarilyo na naglalaman ng isang selyadong plastik na pakete ng hinihinalang shabu;

-Isang Honda Beat motorsiklo na ginamit ng suspek; at

-Isang piraso ng Php 500.00 na buy-bust money.

Inaalam pa ang timbang at halaga ng nasamsam na iligal na droga.

Sa kasalukuyan, ang suspek ay nasa kustodiya na ng Jose Panganiban MPS habang inihahanda ang mga kaukulang kaso laban sa kanya para sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Source: CNPPO PIO