LALAKI ARESTADO SA BAYAN NG LABO SA IKINASANG BUY-BUST OPERASYON KONTRA ILIGAL NA DROGA

LALAKI ARESTADO SA BAYAN NG LABO SA IKINASANG BUY-BUST OPERASYON KONTRA ILIGAL NA DROGA

Labo, Camarines Norte — Isang hinihinalang tulak ng iligal na droga ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Barangay Talobatib, Labo, nitong Oktubre 15, 2024, dakong 11:30 ng gabi.

Ang operasyon ay pinangunahan ng Labo MPS kasama ang mga operatiba ng Camarines Norte Provincial Drug Enforcement Unit (CNPDEU) at Camarines Norte Provincial Intelligence Unit (CNPIU), sa ilalim ng pangkalahatang pangangasiwa ni PLTCOL AUGUSTO A. MANILA, Chief of Police, at may kaukulang koordinasyon sa PDEA Region V.

Kinilala ang suspek na si alyas “AL”, 39 anyos, walang asawa, at residente ng Barangay Calabasa, Labo, Camarines Norte.

Ayon sa ulat, isang undercover operative na poseur buyer ang matagumpay na nakabili ng isang pakete ng hinihinalang shabu mula sa suspek. Agad na inaresto si alyas “AL” matapos maisagawa ang transaksyon. Narekober sa operasyon ang pitong (7) piraso pa ng heat-sealed na plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, isang Kawasaki Fury na motorsiklo na may itim at dilaw na kulay, at isang (1) piraso ng limandaang piso (Php500.00) na ginamit bilang buy-bust money.

Ang pagmamarka at imbentaryo ng mga nakumpiskang ebidensya ay isinagawa sa harap ng mga kinatawang opisyal mula sa barangay at isang miyembro ng media, alinsunod sa tamang proseso. Ipinaalam din sa suspek ang kanyang mga karapatan sa ilalim ng custodial investigation.

Sa kasalukuyan, ang suspek ay nasa kustodiya ng Labo Municipal Police Station at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Source: CNPPO PIO