Personal na nagpaabot ng tulong si CamNorte 2D Representative Rosemarie Panotes sa mga evacuee sa iba’t ibang Bayan ng 2nd District ng probinsya ng Camarines Norte matapos ang paghagupit ng Bagyong Kristine nasabing probinsya.
Sa kanyang pagbisita, may dala siyang mga relief goods at palugaw para sa mga naapektuhan ng bagyong Kristine.
Kabilang sa mga evacuation center na kanyang binisita ay ang Brgy. Mantagbac sa bayan ng Daet, San Roque Evacuation Center sa bayan ng Mercedes, Vinzons Evacuation Center, Basud Sports Complex , Brgy. Mampurog, San Lorenzo Ruiz, Anita Romero Elementary School, at CNSC Abaño Campus Evacuation Center.
Layunin ng kanyang relief operation na kamustahin ang mga evacuee at magbigay ng kinakailangang pansamantalang tulong sa mga nasalanta.







