Arestado sa ikinasang buy-bust operation ng pinagsanib na pwersa ng Talisay Municipal Police Station (MPS), Camarines Norte Police Intelligence Unit (CNPIU), Camarines Norte Provincial Police Drug Enforcement Unit (CNPPDEU), at 503rd Mobile Company Regional Force Mobile Battalion 5 (RFMB 5), sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency Region V (PDEA ROV) isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga dakong alas-8:15 ng gabi nitong Oktubre 27, 2024 sa Purok 3, Barangay Gabon, Talisay, Camarines Norte.
Kinilala ang suspek na si alyas “Mar,” 30 taong gulang, walang asawa at trabaho, at residente ng Barangay I, Mercedes, Camarines Norte. Nakumpiska sa suspek ang isang maliit na selyadong plastik na pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu, isang silver-orange na coin purse na naglalaman ng isang limandaang pisong (P500.00) buy-bust money na may serial number AL9915119 at dalawang medium na selyadong plastik na pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu na wala pang tiyak na timbang at halaga.
Ang suspek at ang mga nakuhang ebidensya ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Talisay MPS para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon.

Source: CNPPO PIO

