DALAWANG TULAK UMANO NG DROGA ARESTADO, 379K HINIHINALANG SHABU NAKUMPISKA SA BUY-BUST OPERATION SA CAMARINES NORTE

DALAWANG TULAK UMANO NG DROGA ARESTADO, 379K HINIHINALANG SHABU NAKUMPISKA SA BUY-BUST OPERATION SA CAMARINES NORTE

Naaresto ang dalawang tulak umano ng droga sa matagumpay na buy-bust operation ng kapulisan ng Bicol nitong Nobyembre 1, 2024, sa Purok 3, Barangay Bagasbas, Daet, Camarines Norte.

Bandang alas-2:15 ng madaling araw nang magsagawa ng operasyon ang pinagsanib na pwersa ng Provincial Drug Enforcement Unit/Provincial Intelligence Unit (PDEU/PIU) at Daet Municipal Police Station ng Camarines Norte PPO, katuwang ang PDEA Regional Office V (ROV). Target sa operasyon ang suspeks na sina “Jon,” itinuturing na high-value individual, at si “Ron,” isang street-level individual. 

Nakuha mula sa mga suspek ang 16 na plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 55.8 gramo at may halagang P379,440.00. Bukod dito, nakumpiska rin ang isang caliber .45 na baril na may pitong bala. 

Sa ngayon, nasa kustodiya ng Daet MPS ang mga suspek kasama ang mga nakalap na ebidensya. Nahaharap ang mga suspek sa mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. 

Sa ilalim ng adbokasiyang “Sa Bagong Pilipinas, ang Gusto ng Pulis, Ligtas Ka,” patuloy na paiigtingin ng PNP Bicol sa pangunguna ni PBGEN ANDRE P DIZON, RD, PRO5 ang kampanya laban sa ilegal na droga sa rehiyon upang mapanatili ang kaligtasan ng bawat isa.

Source: PNP Kasurog Bicol