San Vicente, Camarines Norte- Arestado ang isang lalaking tulak umano ng iligal na droga sa isinagawang buy-bust operation ng San Vicente MPS kasama ang CNPIU, PPDEU at CN 2nd PMF sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency Region V (PDEA ROV), bandang alas 10:04 ng gabi nitong Nobyembre, 2024 sa Purok 1, Barangay Cabanbanan, San Vicente, Camarines Norte. Nakilala ang suspek sa alyas na “Totoy”, 24 anyos, may kinakasama, at residente ng Purok 5, Barangay Camambugan, Camarines Norte. Nakumpiska sa nasabing operasyon ang hindi pa natutukoy na timbang at halaga ng hinihinalang iligal na droga.
Basud, Camarines Norte- Bandang alas 11:04 ng gabi naman ng kaparehong araw ay isa ding lalaking tulak umano ng iligal na droga ang naaresto ng mga tauhan ng Basud MPS, CNPIU, PPDEU, CN 1ST PMFC, at 503rd MC RMFB5 sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency Region V (PDEA ROV), sa Purok 4, Barangay Taisan, Basud, Camarines Norte. Kinilala naman ang suspek na si alyas “Nonoy”, 19 anyos, binata, at residente ng Purok 1, Barangay Oliva, Basud, Camarines Norte. Nakumpiska din sa nasabing operasyon ang hindi pa natutukoy na timbang at halaga ng hinihinalang iligal na droga.
Ang pagmamarka, imbentaryo at dokumentasyon sa mga nakumpiskang iligal na droga sa mga nasabing operasyon ay nasaksihan ng mga mandatory witnesses na kinabibilangan ng nahalal na opisyales ng barangay at kinatawan ng media.
Samantala, kasalukuyang nasa kustodiya ng mga nasabing istayon ng pulisya ang mga naarestong suspek para sa kaukulang disposisyon. Inihahanda na rin ng mga IOCs ang mga kinakailangang dokumento para sa pagsasampa ng mga kaukulang kaso laban sa mga suspek.
Source: CNPPO PIO