LALAKI NAKUHAAN NG BARIL AT BALA SA ISINAGAWANG SEARCH WARRANT OPERATION NG LABO PNP

LALAKI NAKUHAAN NG BARIL AT BALA SA ISINAGAWANG SEARCH WARRANT OPERATION NG LABO PNP

Mahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Illegal Possession of Firearms and Ammunition o RA 10591, ang isang lalaki matapos itong makuhaan ng baril ng kapulisan ng Labo MPS katuwang ang RSOU 5, CN2NDPMFC at 91st Special Action Force 9SAB PNP SAF, bandang alas 11:21 ng gabi nito lamang Nobyembre 11, 2024, sa Purok 1, Barangay Malaya Labo, Camarines Norte, 

 Ang suspek ay kinilala na si alyas “Roy”, 24 anyos, binata at residente ng nasabing lugar. Isinilbi sa kanya ang Search Warrant No. 24F-0119 para sa paglabag sa RA 10591 (“Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”).

 Nakumpiska sa nasabing operasyona ang  isang kalibre 45 na baril at isang (1) steel magazine na may lamang walong (8) live ammunition na nakuha mula sa kwarto ng suspek.

 Isinagawa ang imbentaryo at pagmamarka sa presenya ng mga opisyales ng barangay at kinatawan ng media. Samantala ay nasa kustodiya naman ng Labo MPS ang naarestong suspek para sa kaukulang disposisyon.

 Nabatid na ang ganitong mga hakbang ng kapulisan ay bilang pagtalima sa direktiba upang masiguro na mapigilan ang pagkalat ng mga loose firearms na posibleng magamit sa masasamang gawain.

Source: CNPPO PIO