1 PATAY AT ISA ANG SUGATAN NA NAITALA SA PANANALASA NG BAGYONG PEPITO SA CAMARINES NORTE

1 PATAY AT ISA ANG SUGATAN NA NAITALA SA PANANALASA NG BAGYONG PEPITO SA CAMARINES NORTE

Daet, Camarines Norte – Isa ang nasawi, habang isa ang sugatan sa isang aksidente sa kalsada kaugnay sa pananalasa ng Bagyong Pepito sa probinsiya ng Camarines Norte, kahapon, Nobyembre 17, 2024, dakong alas-7:30 ng umaga sa kahabaan ng Bagasbas Road, Barangay Bagasbas, Daet, Camariones Norte. 

Kinilala ang mga biktima na sina alyas “Ely,” 79 taong gulang, may asawa, at 16 anyos na angkas nitong kinilala sa alyas na  “JR”, pawang mga residente ng Purok 5, Barangay Bagasbas, Daet, Camarines Norte.

Batay sa ulat, sakay ng isang motorsiklo ang mga biktima mula sa bayan ng Daet patungong Barangay Bagasbas nang aksidenteng sumabit sa nakalaylay na kawad ng kuryente. Dahil dito, nawalan ng balanse ang motorsiklo at nahulog ang mga sakay nito sa sementadong kalsada.

Kaagad na isinugod ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO)-Daet ang mga biktima sa Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH) para mabigyan ng lunas. Sa kasamaang palad, idineklarang dead on arrival (DOA) ng attending physician ang drayber ng motorsiklo, habang nagtamo naman ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang menor de edad na back rider.

Agad na nakipag-ugnayan ang imbestigador sa pamilya ng mga biktima at nagsagawa ng follow-up investigation hinggil sa nangyaring aksidente.

Samantala, patuloy ang pagbibigay ng police assistance ng Pulis Bantayog sa mga evacuation centers at ang pag-conduct ng road clearing operations upang masiguro ang kaligtasan ng mga residente habang bumabalik sila sa kani-kanilang mga tahanan.

Oplus_131072

📸: ctto