Ayon sa facebook post ni CamNorte 2D Representative Rosemarie Panotes patungo nang Bicol Region ang mga truck ng releif goods mula mismo sa kongreso.
Ayon rin sa kongresista ay isa itong pakikiisa ng House of Representatives na pinamumunuan ni House Speaker Martin Romualdez at ni Pangulong Bongbong Marcos sa mga nasalanta ng dalawang bagyong nagdaan sa Bicol Region.
Labis rin ang pasasalamat ni CamNorte 2D Representative Rosemarie Panotes kina House Speaker Martin Romualdez at ni Pangulong Bongbong Marcos sa walang sawang pagtulong sa Camarines Norte at sa buong Bicol Region lalo sa panahon ng kalamidad. Ang tulong na ito ay isa sa nagbibigay ng lakas at pag-asa sa muling pagtayo ng mga oragon matapos ang mga kalamidad na nagdaan.
Tabang Bicol, Tindog Oragon!


📸 CamNorte 2D Representative Rosemarie Panotes