2 KATAO, ARESTADO SA IKINASANG DRUG BUY-BUST OPERATION SA BAYAN NG DAET

2 KATAO, ARESTADO SA IKINASANG DRUG BUY-BUST OPERATION SA BAYAN NG DAET

Daet, Camarines Norte — Dalawang indibidwal ang naaresto sa ikinasang buy-bust operation laban sa iligal na droga ng mga tauhan ng Daet Municipal Police Station, kasama ang Provincial Police Drug Enforcement Unit (PPDEU) at Provincial Intelligence Unit (PIU) ayon sa koordinasyon ng PDEA Regional Office V. Ang operasyon ay naisagawa dakong alas-11:15 ng umaga, Nobyembre 20, 2024, sa kanto ng Taft Iraya St at Colon St., Purok 5, Barangay III, Daet, Camarines Norte.

Ang suspek ay kinilalang sina alyas “MARIE,” 38 taong gulang, residente ng nabanggit na lugar at si alyas “DAN”, 47 taong gulang, may asawa, at residente ng Purok 7, Barangay I, Daet, Camarines Norte. 

Ayon sa ulat, matagumpay na nakabili ang nakatalagang poseur buyer ng pakete ng hinihinalang shabu mula sa mga suspek. Dahil dito, agad na inaresto ang mga ito matapos ang transaksyon.

Narekober sa operasyon ang hindi pa natutukoy na timbang at halaga ng hinihinalang iligal na droga. Ang nasabing operasyon, pati na ang imbentaryo at pagmarka ng mga nakuhang ebidensya, ay nasaksihan ng opisyales ng barangay at  kinatawan ng media, alinsunod sa itinatakda ng batas.

Sa kasalukuyan, ang mga suspek ay nasa kustodiya ng Daet MPS para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasampa ng mga kaso kaugnay ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Source: CNPPO PIO