DALAWANG LALAKI ARRESTADO SA BUY-BUST OPERASYON KONTRA ILIGAL NA DROGA SA BAYAN NG LABO

DALAWANG LALAKI ARRESTADO SA BUY-BUST OPERASYON KONTRA ILIGAL NA DROGA SA BAYAN NG LABO

Noong ika-25 ng Nobyembre 2024, bandang alas 11 ng gabi, dalawang lalaki ang nahuli sa isang buy-bust operation laban sa iligal na droga sa bayan ng Labo, Camarines Norte. Ang operasyon ay isinagawa ng Labo MPS kasama ang CNPDEU at CNPIU, sa ilalim ng pangkalahatang pangangasiwa ni PLTCOL AUGUSTO A. MANILA, Chief of Police, at may kaukulang koordinasyon sa PDEA ROV.

Ang mga nahuling suspek ay kinilalang si alyas “Oli,” 42 anyos, walang asawa, at residente ng Barangay Lugui, Labo, at si alyas “Ter,” 27 anyos, walang asawa, at residente ng Barangay Mantagbac, Daet, Camarines Norte.

Ayon sa ulat, isang poseur buyer ang matagumpay na nakabili ng isang pakete ng hinihinalang shabu mula sa mga suspek. Agad silang inaresto matapos ang transaksyon. Mula kay alyas “Oli,” nakuha ang 8 piraso ng hinihinalang shabu na naka-pakete, isang tunay na limandaang piso (Php500.00) bilang buy-bust money, at limang naka-pakete ng hinihinalang shabu mula kay alyas “Ter.”

Ang imbentaryo at pagmamarka ng mga nakumpiskang ebidensya ay isinagawa sa harap ng mga saksi, kabilang ang mga opisyales ng Barangay Lugui at isang kinatawan ng media. Ipinaalam din sa mga suspek ang kanilang mga karapatan alinsunod sa batas sa ilalim ng custodial investigation.

Sa kasalukuyan, ang mga suspek ay nasa kustodiya ng Labo MPS para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasampa ng mga kaso kaugnay ng paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Source: CNPPO PIO