DALAWANG LALAKI ARESTADO SA BUY-BUST OPERASYON SA BAYAN NG MERCEDES

DALAWANG LALAKI ARESTADO SA BUY-BUST OPERASYON SA BAYAN NG MERCEDES

Noong ika-26 ng Nobyembre 2024, bandang alas 9:23 ng gabi, dalawang lalaki ang nahuli sa isang buy-bust operation laban sa iligal na droga sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte. Ang operasyon ay isinagawa ng Mercedes MPS kasama ang CNPDEU at 503rd MC, RMFB, at may kaukulang koordinasyon sa PDEA ROV.

Ang mga nahuling suspek ay kinilalang si alyas “BEN”, 45 anyos, may asawa, at si alyas “ROY”, 56 anyos, may asawa, parehong residente ng Barangay Matogtoog, Mercedes, Camarines Norte.

Ayon sa ulat, matagumpay na nakabili ang poseur buyer ng pakete ng hinihinalang shabu mula sa mga suspek. Agad naman silang inaresto matapos ang transaksyon. Nakuha sa mga suspek ang hindi pa natutukoy na bigat at halaga ng iligal na droga, at isang baril na may tatlong bala na hindi pa matukoy ang kalibre.

Ang imbentaryo at pagmamarka ng mga nakumpiskang ebidensya ay isinagawa sa harap ng mga saksi, kabilang ang mga opisyales ng Barangay at isang kinatawan ng media. Ipinaalam din sa mga suspek ang kanilang mga karapatan alinsunod sa batas sa ilalim ng custodial investigation.

Sa kasalukuyan, ang mga suspek ay nasa kustodiya ng Mercedes MPS para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasampa ng mga kaso kaugnay ng paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Source: CNPPO PIO