Talisay, Camarines Norte – Arestado ang isang lalaki sa ikinasang manhunt operation ng pinagsanib na pwersa ng Talisay Municipal Police Station at CNPHPT Camarines Norte nitong Nobyembre 27, 2024, bandang 9:45 ng gabi sa Barangay Sto. Niño, Talisay, Camarines Norte.
Kinilala ang suspek na si alyas “Dex,” 30 taong gulang, walang asawa, at residente ng Bahay-Pari, Meycauayan, Bulacan. Si alyas “Dex” ay inaresto sa bisa ng dalawang warrant of arrest para sa mga kasong paglabag sa R.A. 10883 o New Anti-Carnapping Law of 2016.
Ang una ay may criminal case number R-PSY-22-00638-CR na inisyu ng RTC Branch 112, Pasay City, sa pangunguna ni Presiding Judge Elenita Carlos Dimaguila noong Marso 22, 2022, na walang inirekomendang piyansa.
Ang ikalawa ay may criminal case number R-PSY-19-05422-CR na inisyu ng RTC Branch 114, Pasay City, noong Hulyo 4, 2022, sa pangunguna ni Presiding Judge Elmer Jospeh R. Guerzon, na may inirekomendang piyansa na PHP 300,000.
Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Talisay MPS para sa kaukulang disposisyon.
Source: CNPPO PIO