RANKED 9 NA MOST WANTED PERSON SA STA. ELENA, NAARESTO DAHIL SA 11 COUNTS NG ACTS OF LASCIVIOUSNESS

RANKED 9 NA MOST WANTED PERSON SA STA. ELENA, NAARESTO DAHIL SA 11 COUNTS NG ACTS OF LASCIVIOUSNESS

Nitong Nobyembre 28, 2024, ganap na 9:57 ng gabi, naaresto ng mga tauhan ng Sta. Elena Municipal Police Station sa pakikipagtulungan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG-WCCU) ang isang wanted na indibidwal sa Barangay 163, Caloocan City.

Kinilala ang suspek sa alyas na “Ron-Ron,” 30 taong gulang, residente ng Purok 3, Kagtalaba, Sta. Elena, Camarines Norte. Siya ay may kinakaharap na 11 kaso ng Acts of Lasciviousness sa ilalim ng Article 336 ng Revised Penal Code (RPC), kaugnay ng Seksyon 5 (B) ng Republic Act 7610 na inamyendahan ng Republic Act 11648.

Ang warrant of arrest ay inisyu ni Hon. Cornelio Magana Roll, Acting Presiding Judge ng Regional Trial Court, Fifth Judicial Region, Branch 64, Labo, Camarines Norte, na may itinakdang piyansang nagkakahalaga ng Php 1,188,000.

Ipinaalam sa suspek ang kanyang mga karapatang konstitusyonal at kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ng Sta. Elena MPS para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Muling pinagtitibay ng Sta. Elena MPS ang kanilang dedikasyon sa paghahatid ng hustisya at seguridad ng publiko sa pamamagitan ng walang sawang pagtugis sa mga lumalabag sa batas.

Source: CNPPO PIO