Nitong nakaraang linggo naging matagumpay ang barangay visitation ni CamNorte 2D Representative Rosemarie Panotes sa 3 bayan ng Camarines Norte.
Binisita niya ang bayan ng Vinzons, Basud at San Vicente. Dala niya ang kanyang mga munting handog para sa ating mga kabarangay, nakipagkamustahan rin ang kongresista sa mga ito.
Laking pasasalamat naman niya sa lahat ng mga dumalo sa barangay visitation dahil sa mainit na pagtanggap sa kanila tuwing sila ay dadalaw sa kanilang mga barangay.
Dagos dagos lang ang kongresista sa patulong para sa ating mga kabarangay.