DUMALO SI CAMARINES NORTE 2D REPRESENTATIVE ROSEMARIE PANOTES SA INDUCTION CEREMONY NG FILIPINO -CHINESE CHAMBER OF COMMERCE

DUMALO SI CAMARINES NORTE 2D REPRESENTATIVE ROSEMARIE PANOTES SA INDUCTION CEREMONY NG FILIPINO -CHINESE CHAMBER OF COMMERCE

Dumalo si CamNorte 2D Representative Rosemarie Panotes sa induction ceremony ng Filipino-Chinese Chamber of Commerce, at ipinahayag rin ng kongresista ang kanyang suporta sa organisasyon na isa sa mga nagsusumikap na mapalago ang ekonomiya ng lalawigan.

Ipinahayag rin niya ang kanyang pagbati kay Mr. Joseph Ong bilang bagong pangulo na isang malapit na kaibigan ng pamilya. Pinasalamatan rin niya ang mga ito sa pag-imbita sa kanya bilang isa sa mga panauhing pandangal.

Tuloy ang suporta ng kongresista sa organisasyon lalo na sa mga layunin nitong makatulong hindi lamang sa segundo distrito kundi maging sa buong lalawigan ng Camarines Norte.