Magandang araw sa unang Lunes ng taon para sa mga empleyado ng Municipality of Daet!
Kaninang umaga, naghatid si CamNorte 2D Representative Rosemarie Panotes ng mga munting regalo bilang belated Christmas at New Year’s treat sa mga kawani ng munisipyo ng Daet.
Ang mga regalong ito ay simbolo ng pagpapahalaga at suporta sa kanilang dedikasyon. Nawa’y magbigay ito ng inspirasyon sa bawat isa upang patuloy na magbigay ng magandang serbisyo sa mga Daeteño ngayong 2025. Patuloy ang pagtutulungan para sa ikabubuti ng bayan.


