2 KATAO- TIMBOG SA DRUG BUY-BUST OPERATION

2 KATAO- TIMBOG SA DRUG BUY-BUST OPERATION

2 indibidwal na tulak umano ng iligal na droga ang naaresto sa ikinasang buy-bust operation laban sa iligal na droga ng mga tauhan ng Daet Municipal Police Station, katuwang ang Camarines Norte Police Drug Enforcement Unit/ Camarines Norte Provincial Intelligence Unit ayon sa koordinasyon sa PDEA ROV dakong 3:14 ng hapon nitong Enero 9, 2025 sa Brgy. VI, Daet, Camarines Norte.

Ang mga suspek ay nakilalang sina alyas na “Jen”, 52 taong gulang, at si alyas “Ely”, 58 taong gulang, pawang mga residente ng nabanggit na barangay.

Ayon sa report, matagumpay na nakabili ang nakatalagang poseur buyer sa nasabing mga suspek ng pakete ng hinihinalang shabu, dahilan upang agad arestuhin ang mga ito. 

Kumpiskado sa operasyon ang hindi pa matukoy na bigat at halaga ng hinihinalang iligal na droga. Ang isinagawang operasyon, imbentaryo at pagmarka sa mga nakuhang ebidensya ay nasaksihan ng opisyales ng barangay at kinatawan ng media.

Samantala, ang mga nabanggit na suspek ay kasalukuyang nasa kostudiya ng Daet MPS para sa kaukulang pagdodokumento at disposisyon.

Source: CNPPO PIO