Basud, Camarines Norte — Ang mga operatiba ng Basud MPS katuwang ang mga tauhan ng 503rd MC RMFB5, ay agad na tumugon sa ulat mula sa isang concerned citizen ukol sa umano’y pot session sa isang bahay sa Poblacion 2, Basud, Camarines Norte.
Sa isinagawang operasyon ng pulisya bilang tugon sa impormasyong natanggap, naaktuhan ang dalawang lalaki sa paggamit ng hinihinalang shabu na agad na inaresto.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Makoy”,
46 taong gulang, may asawa, isang karpintero at si alyas “Jong”, 47 taong gulang na nabatid na isa sa mga drug surrenderee ng Basud MPS. Ang mga suspek ay pawang mga residente ng nasabing barangay.
Nakuha sa operasyon ang 4 na piraso ng aluminum foil na ginamit bilang bangka at 2 aluminum foil na ginamit bilang totter, 2 lighter na ginamit bilang improvised burner, 1 inner tube ng ballpen na ginamit upang i-roll ang totter at 4 transparent plastic sachets na may residue ng shabu.
Ang naarestong suspek ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng Basud MPS para sa kaukulang disposisyon.
Ang nasabing operasyon ay bahagi ng mas pinaigting na kampanya ng Basud MPS laban sa iligal na droga, alinsunod sa mandato ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Source: CNPPO PIO