Isang babae ang naaresto sa ikinasang buy-bust operation laban sa iligal na droga ng mga tauhan ng Paracale Municipal Police Station, katuwang ang Camarines Norte Police Drug Enforcement Unit, Camarines Norte Provincial Intelligence Unit at Camarines Norte 2nd Provincial Mobile Force Company dakong alas 7:48 ng gabi nitong Enero 17, 2025 sa Purok 3, Brgy. Maybato, Paracale, Camarines Norte.
Ang suspek ay nakilalang si alyas na “ANA”, 52 taong gulang may kinakasama, at residente ng nabanggit na lugar.
Ayon sa report, matagumpay na nakabili ang nakatalagang poseur buyer sa nasabing suspek ng pakete ng hinihinalang shabu, dahilan upang agad arestuhin ang suspek.
Kumpiskado sa operasyon ang hindi pa matukoy na bigat at halaga ng hinihinalang iligal na droga. Ang isinagawang operasyon, imbentaryo at pagmarka sa mga nakuhang ebidensya ay nasaksihan ng opisyales ng barangay at kinatawan ng media.
Samantala, ang nasabing suspek ay kasalukuyang nasa kostudiya ng Paracale MPS para sa kaukulang pagdodokumento at disposisyon.

Source: CNPPO PIO