Nakatakdang magbukas ngayong unang semestre ng taong 2025 ang Eye Center na pinapagawa ni dating Gobernador Edgardo “Egay” Tallado na matatagpuan sa Purok 4, Barangay Alawihao, Daet, Camarines Norte.
Maaaring i-avail sa nasabing Eye Center ang iba’t-ibang serbisyo para sa mata katulad ng libreng check-up, pagpapasalamin, pagpapagawa ng contact lenses, at iba pang serbisyo sa mga sakit na may kinalaman sa ating mga mata.
Inaasahan din na mga propesyonal at dalubhasa ang mga doctor ng nasabing Eye Center upang masiguro na tama ang maibibigay na serbisyo sa mga Camnorteño.
Pangunahing layunin ng dating gobernador sa pagkakaroon ng nasabing pasilidad ay upang mas mailapit ang serbisyo ng isang eye center sa mga tao lalo’t higit para sa mga Camnorteño na walang kakayahan na ipasuri ang kanilang mga mata at magkaroon ng pagkakataon na makalapit sa ganitong uri ng pasilidad.

