Nitong ika-15 ng Enero, inaprubahan na sa ikalawang pagbasa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang House Bill No. 11200, o ang Camarines Norte Special Economic Zone Act.
Dahil na rin ito sa pagsisikap at pakikipagtulungan ni CamNorte 2D Representative Rosemarie Panotes sa iba’t ibang mambabatas, komite at maging sa mga opisyal ng lalawigan.
Mula sa pagsusulat, pagdalo sa session, pagdalo sa mga meeting ay hindi tumigil ang kongresista upang mas makapagbigay at maisakatuparan ang mga ganitong adhikain. Hindi lamang para sa Segundo Distrito kundi maging sa buong lalawigan ng Camarines Norte.
Ang House Bill No. 11200, o ang Camarines Norte Special Economic Zone Act ay makapagbibigay ng karagdagang trabaho at oportunidad sa mga Camnorteño.

