Isang lalaki ang naaresto sa ikinasang buy-bust operation laban sa iligal na droga ng mga tauhan ng Vinzons Municipal Police Station, ayon sa koordinasyon sa PDEA ROV dakong alas 10:28 ng gabi nitong Enero 20, 2025 sa Sitio Bolo, Purok 4, Brgy. Calangcawan Norte, Vinzons, Camarines Norte.
Ang suspek ay nakilalang si alyas na “JIM”, 28 taong gulang,binata at residente ng Barangay Cobangbang, Daet, Camarines Norte.
Ayon sa report, matagumpay na nakabili ang nakatalagang poseur buyer sa nasabing suspek ng pakete ng hinihinalang shabu, dahilan upang agad arestuhin ang suspek.
Kumpiskado sa operasyon ang hindi pa matukoy na bigat at halaga ng hinihinalang iligal na droga. Ang isinagawang operasyon, imbentaryo at pagmarka sa mga nakuhang ebidensya ay nasaksihan ng opisyales ng barangay at kinatawan ng media.
Samantala, ang nasabing suspek ay kasalukuyang nasa kostudiya ng Vinzons MPS para sa kaukulang pagdodokumento at disposisyon.



Source: CNPPO PIO