Tuloy-tuloy ang Barangay Visitation ni CamNorte 2D Representative Rosemarie Panotes, nitong nakalipas na araw ay muling isinagawa sa Bayan ng Daet, Camarines Norte dala ang kanyang munting handog para sa mga ito.
Labing-apat na barangay ang kanyang binisita sa Bayan ng Daet kabilang ang mga sumusunod: Calasgasan, Magang, Bibirao, Pamorangon, Mancruz, Barangay 6, Barangay 7, Mambalite, Cobangbang, San Isidro Barangay 1, Gahonon, Awitin at Borabod.
Sa pagbisitang ito ng kongresista mas madaling naidudulog ng mga barangay opisyal ang kanilang mga pangangailangan at kahilingan para sa kanilang barangay. Hindi rin naman sila binibigo ng kongresista dahil agad rin naman itong natutugunan.
Kaya naman muling paalala ng kongresista na kung may mga concerns at request ay huwag mag-atubiling pumunta sa kanyang tanggapan.
Dagdag din niya na kapag nasa Daet siya, ay siya mismo ang kanilang makakausap at kung nasa kongreso naman siya, ay ang kanyang Chief of Staff na si Voltaire Conejos ang kanilang makakaharap at lahat naman ng kanilang idinudulog ay nakakarating sa kanya.















