LALAKING TULAK UMANO NG ILIGAL NA DROGA, NASABAT SA IKINASANG DRUG BUY-BUST OPERATION SA BAYAN NG SAN VICENTE

LALAKING TULAK UMANO NG ILIGAL NA DROGA, NASABAT SA IKINASANG DRUG BUY-BUST OPERATION SA BAYAN NG SAN VICENTE

Isang lalaki na tulak umano ng iligal na droga ang natimbog sa ikinasang buy-bust operation laban sa iligal na droga ng mga tauhan ng San Vicente Municipal Police Station katuwang ang mga operatiba ng Provincial Drug Enforcement Unit, Provincial Intelligence Unit at 1st Provincial Mobile Force Company, ayon sa koordinasyon sa PDEA ROV dakong 9:56 ng gabi nitong Enero 23, 2025 sa Purok 2, Brgy. Silangan, San Vicente, Camarines Norte.

 Ang suspek ay nakilalang si alyas na “MAK”, 25 taong gulang, binata at residente ng Barangay Alawihao, Daet, Camarines Norte.

Ayon sa report, matagumpay na nakabili ang nakatalagang poseur buyer sa nasabing suspek ng pakete ng hinihinalang shabu, dahilan upang agad arestuhin ang suspek.  

Kumpiskado sa operasyon ang hindi pa matukoy na bigat at halaga ng hinihinalang iligal na droga. Ang isinagawang operasyon, imbentaryo at pagmarka sa mga nakuhang ebidensya ay nasaksihan ng opisyales ng barangay at kinatawan ng media.

Samantala, ang nasabing suspek ay kasalukuyang nasa kostudiya ng San Vicente MPS para sa kaukulang pagdodokumento at disposisyon.

Source: CNPPO PIO