Pumanaw na ang batikang aktres na si Gloria Romero nitong ika-25 ng Enero 2025 sa edad na 91. Siya ay kilala bilang “Queen of the Philipine Cinema”.
Sa totoong buhay siya si Gloria Borrego Galla, anak ng isang Pilipinong si Pedro Galla at Amerikanang si Mary Borrego, ipinanganak noong Disyembre 16, 1933 sa Denver, Colorado.
Sa edad na labing-anim (16) nagsimula siya bilang isang “extra” sa mga pelikula noong 1940s at nagpatuloy hanggang umabot siya sa kanyang pag-angat at pagkakilala sa industriya ng pelikula.
Hindi siya tumigil at napatuloy sa kanyang pag-arte, isa sa mga naging pelikula niya ang “Madame X”. Ang pelikulang “Dalagang Ilokana” ang nagbigay ng kauna-unahan niyang pagkilala mula sa FAMAS bilang Best Actress. Nanalo rin siya ng iba pang mga parangal sa iba’t -ibang organisasyon tulad ng Film Academy of the Philippines at Gawad Urian Awards. Nakilala rin siya sa kanyang natatanging pagganap sa mga pelikula tulad ng “Tanging Yaman” (2000) “Magnifico” (2003), at “Rainbow Sunset” (2018)
Nakagawa si Gloria Romero ng higit dalawang daan at limampung (250) pelikula sa loob ng kanyang mahigit pitong (7) dekada ng career kasama ang “Cofradia” (1953), “Kurdapya” (1955), “Pagdating ng Takip-Silim” (1956), “Miss Tilapia” (1956), “Hong Kong Holiday” (1957), “Mga Kwento ni Lola Basyang” (1958), “Dance-O-Rama” (1963).
Matatandaan na na ipinagdiwang pa ng kanyang pamilya at malalapit na kaibigaan ang kanyang ika-90 kaarawan noong Disyembre 17, 2023.
Ang kanyang kontribusyon sa Philippine entertainment industry ay hindi matatawaran kaya naman marami ang humahanga at nagmamahal sa kanya hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay.
Ang kanyang labi ay nakahimlay sa Arlington Memorial Chapel sa Quezon City.
