DSWD BICOL NAMAHAGI NG FAMILY FOODS PACKS SA CAMARINES NORTE

DSWD BICOL NAMAHAGI NG FAMILY FOODS PACKS SA CAMARINES NORTE

Kahapon, Enero 28, 2025 naghatid ng aabot sa 2,091 Family Foods Packs (FFPs) ang Department of Social Welfare and Development Field Office V – Bicol Region sa lalawigan ng Camarines Norte sa mga pamilyang naapektuhan ng shearline na nagdala ng walang tigil na pag-ulan.

Nakapagbigay ng 1,020 FFPs sa mga Barangay ng Talusan, Malaguit, at Casalugan sa Bayan ng Paracale, Camarines Norte. Habang 1,071 FFPs naman ang naihatid sa Barangay Sabang, Vinzons, Camarines Norte.

Ang paghahatid ng FFPs na ito ng DSWD Bicol ay karagdagang pandugtong tulong sa kabuhayan lalo na ng mga pamilyang naapektuhang ng matinding pag-ulan hatid ng shearline.