LALAKING TULAK UMANO NG ILIGAL NA DROGA, NASABAT SA IKINASANG DRUG BUY-BUST OPERATION SA BAYAN NG TALISAY

LALAKING TULAK UMANO NG ILIGAL NA DROGA, NASABAT SA IKINASANG DRUG BUY-BUST OPERATION SA BAYAN NG TALISAY

Isang lalaki na tulak umano ng iligal na droga ang natimbog sa ikinasang buy-bust operation laban sa iligal na droga ng mga tauhan ng Talisay Municipal Police Station(lead unit) katuwang ang Provincial Drug Enforcement Unit,  Provincial Intelligence Unit, PDEG SOU5 at 503RD MC RMFB ayon sa koordinasyon sa PDEA ROV dakong 3:05 ng umaga nitong unang araw ng Pebrero, 2025 sa Purok 1, Brgy. San Nicolas, Talisay, Camarines Norte.

Ang suspek ay nakilalang si alyas na “ROY”, 30 taong gulang, binata at residente ng Barangay Luklukan Norte, Jose Panganiban, Camarines Norte.

Ayon sa report, matagumpay na nakabili ang nakatalagang poseur buyer sa nasabing suspek ng pakete ng hinihinalang shabu, dahilan upang agad arestuhin ang suspek.  

Kumpiskado sa operasyon ang hindi pa matukoy na bigat at halaga ng hinihinalang iligal na droga. Ang isinagawang operasyon, imbentaryo at pagmarka sa mga nakuhang ebidensya ay nasaksihan ng opisyales ng barangay at kinatawan ng media.

Samantala, ang nasabing suspek ay kasalukuyang nasa kostudiya ng Talisay MPS para sa kaukulang pagdodokumento at disposisyon.

Source: CNPPO PIO