LALAKING HIGH VALUE INDIVIDUAL SA BAYAN NG DAET, ARESTADO SA IKINASANG DRUG BUY-BUST OPERATION

LALAKING HIGH VALUE INDIVIDUAL SA BAYAN NG DAET, ARESTADO SA IKINASANG DRUG BUY-BUST OPERATION

Isang lalaking kabilang sa High Value Individual sa bayan ng Daet ang naaresto sa ikinasang buy-bust operation laban sa iligal na droga ng mga tauhan ng Daet Municipal Police Station, katuwang ang Camarines Norte Provincial Drug Enforcement Unit at Provincial Intelligence Unit ayon sa koordinasyon sa PDEA ROV dakong 12:20 ng madaling araw nitong Pebrero 2, 2025 sa Brgy. San Isidro, Daet, Camarines Norte.

Ang suspek ay nakilalang si alyas na “BEN”, 41 taong gulang, may asawa, at residente ng nabanggit na barangay.

Ayon sa report, matagumpay na nakabili ang nakatalagang poseur buyer sa nasabing suspek ng pakete ng hinihinalang shabu, dahilan upang agad arestuhin ang suspek.  

Kumpiskado sa operasyon ang hindi pa matukoy na bigat at halaga ng iligal na droga. Ang isinagawang operasyon, imbentaryo at pagmarka sa mga nakuhang ebidensya ay nasaksihan ng opisyales ng barangay at kinatawan ng media.

Samantala, ang nasabing suspek ay kasalukuyang nasa kostudiya ng Daet MPS para sa kaukulang pagdodokumento at disposisyon.

Source: CNPPO PIO