Ayon sa inilabas na chart ng Philippine Coconut Authority Region V-Bicol as of February 3,2025 nasa P56.11 ang regional average farm gate price ng copra.
Ang may pinakamataas na presyo ng copra ay ang probinsya ng Albay na P60.71 kada kilo. Sumunod ang Camarines Norte na P60.22 kada kilo, at pangatlo ang Sorsogon na P60.00 kada kilo.
Habang ang probinsya ng Camarines Sur ay naglalaro sa P51.00 hanggang P56.25 ang presyo ng copra. Ang Masbate ay nasa P52.60 at P52.00 naman ang sa Catanduanes.
Ang Regional Mill Gate price sa kasalukuyan ay umaabot sa P63.58.

📸 Philippine Coconut Authority Region V-Bicol