CONG. ROSEMARIE PANOTES, TULOY-TULOY ANG PAGBISITA SA MGA BARANGAY SA BAYAN NG DAET!

CONG. ROSEMARIE PANOTES, TULOY-TULOY ANG PAGBISITA SA MGA BARANGAY SA BAYAN NG DAET!

Nitong mga nakalipas na araw patuloy ang pagbisita ni CamNorte 2D Representative Rosemarie Panotes sa mga barangay sa Bayan Daet, Camarines Norte.

Sampung (10) barangay naman ang kanyang binisita kabilang ang mga barangay ng Dogongan, Alawihao, Gubat, Barangay 2, Barangay 3, Lag-On, Bagasbas, Barangay 5, Camambugan at Brgy. IV. 

Bagamat minsan umaabot na ng gabi at kahit galing pa sa kanyang ibang gawain, sinisikap pa rin ng kongresista na mapuntahan ang mga barangay upang personal na makapagpasalamat at makadaupang-palad ang mga Daeteño mula sa iba’t-ibang barangay. 

Padagos lang si CamNorte 2D Representative Rosemarie Panotes sa pagtulong para sa ikabubuti ng Segundo Distrito ng Camarines Norte.