Isang lalaking tulak umano ng iligal na droga ang inaresto matapos itong mahuli sa ikinasang buy-bust operation laban sa iligal na droga ng mga tauhan ng Sta. Elena Municipal Police Station, katuwang ang Camarines Norte Provincial Drug Enforcement Unit at Provincial Intelligence Unit ayon sa koordinasyon sa PDEA ROV dakong 2:15 ng umaga nitong Pebrero 5, 2025 sa Brgy. Kabuluan, Sta. Elena, Camarines Norte.
Ang suspek ay nakilalang si alyas na “ED”, 62 taong gulang, may asawa, at residente ng nabanggit na lugar
Ayon sa report, matagumpay na nakabili ang nakatalagang poseur buyer sa nasabing suspek ng pakete ng hinihinalang shabu, dahilan upang agad arestuhin ang suspek.
Kumpiskado sa operasyon ang hindi pa matukoy na bigat at halaga ng hinihinalang iligal na droga. Ang isinagawang operasyon, imbentaryo at pagmarka sa mga nakuhang ebidensya ay nasaksihan ng opisyales ng barangay at kinatawan ng media.
Samantala, ang nasabing suspek ay kasalukuyang nasa kostudiya ng Sta. Elena MPS para sa kaukulang pagdodokumento at disposisyon.


Source: CNPPO PIO