LTO  DISTRICT OFFICE NAGBUKAS NA SA BAYAN NG LABO, CAMARINES NORTE!

LTO  DISTRICT OFFICE NAGBUKAS NA SA BAYAN NG LABO, CAMARINES NORTE!

Nagsimula na ang operasyong ng Land Transportation Office (LTO) District  Office sa Bayan ng Labo, Camarines Norte, kahapon, Miyerkules, ika-5 ng Pebrero 2025.

Ayon sa LGU-Labo, ang pagbubukas ng LTO District Office ay makapagbibigay at makapaghahatid serbisyo hindi lamang para sa mga mamamayan ng Labo kundi para sa lahat ng bayan sa Unang Distrito ng Camarines Norte.  Mas mabilis na ang access sa mga serbisyong hatid ng LTO.

Ang opisina ng LTO Labo District ay matatagpuan sa Sanfuego Building, Hillcrest Subdivision, Brgy. Bulhao, Labo, Camarines Norte.

Narito ang mga serbisyong maaaring i-avail sa nasabing tanggapan:

1. Pag apply ng Student Permit;

2. Pag apply ng New Driver’s/Conductor’s License; 

3. Pag-renew ng Driver’s/Conductor’s License

4. Pag-apply ng Duplicate ng Driver’s / Conductor’s License;

5. Libreng Theoretical Driving Course,

6. Pagrenew ng Rehistro  ng sasakyan (Kailangan ng emission certificate at insurance).