Sa walang humpay na kampanya ng pulisya laban sa iligal na droga, matagumpay na naaresto ang dalawang lalaki sa isang buy-bust operation na isinagawa ng pinagsanib na puwersa ng CNPIU/PPDEU (lead unit) at Daet Municipal Police Station, sa pakikipag-ugnayan sa PDEA ROV.
Ang operasyon ay naganap alas 11:50 ng gabi nitong Pebrero 5, 2025, sa may bahagi ng Brgy. Gubat, Daet, Camarines Norte.
Ang mga nahuling suspek ay kinilalang sina alyas “Ryan,” 36 taong gulang, helper, at alyas “Rene,” 42 taong gulang, isang construction worker. Kapwa sila residente ng Brgy. 185, Caloocan City at kabilang sa mga itinuturing na high-value individuals (HVI) on illegal drugs.
Ayon sa ulat, positibong nakabili ang isang poseur buyer ng isang pakete ng hinihinalang shabu mula sa mga suspek, kaya’t agad silang inaresto. Nasamsam rin sa operasyon ang hinihinalang nasa daang libong halaga ng hinihinalang shabu na wala pang tiyak na halaga.
Upang matiyak ang transparency, nasaksihan ng mga opisyal ng Barangay Gubat at isang media representative ang imbentaryo at pagmamarka ng mga nakumpiskang ebidensya. Matapos ipaalam sa mga suspek ang kanilang mga karapatan, dinala sila sa Camarines Norte Provincial Hospital para sa kaukulang medikal na pagsusuri.
Sa kasalukuyan, nasa kustodiya ng Daet MPS ang mga nahuling indibidwal para sa karampatang dokumentasyon at pagsasampa ng kaso.



Source: CNPPO PIO