Sa mga nakalipas na araw, nagsagawa ng Unannounced Earthquake Drill ang mga kawani ng Daet Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) sa tatlong paaralan: National Child Development Center, Goito Pimentel Elementary School, at Porfirio R. Ponayo High School.
Layunin nito na mabigyan ng kaalaman ang mga estudyante, mga guro at mga tauhan ng paaralan ng mga dapat gawin kapag nagkaroon ng lindol lalo na kapag nasa loob sila ng kanilang paaralan.
Alinsunod rin ito sa RA 10121 section c4, “the MDRRMO shall Organize and conduct training, Orientation, and knowlegde management activities on fisaster risk reduction and management at the local level” at ang DepEd Order number 53 series of 2022 na kilala rin na “Mandatory Unannounced Earthquake and Fire Drills in Schools”.
Inaasahan na patuloy itong isasagawa ng Daet MDRRMO sa iba pang paaralan sa Bayan ng Daet.












📸 Daet MDRRMO