BIGAY-TULONG SA PANGKABUHAYAN PROGRAM NG LGU-DAET, NAGPAPATULOY!

BIGAY-TULONG SA PANGKABUHAYAN PROGRAM NG LGU-DAET, NAGPAPATULOY!

Sa pamamagitan ng Business Development Office ng Lokal na Pamahalaan ng Daet, muling pinagpatuloy ang assessment para sa 1st batch release ngayong 2025 ng Bigay-Tulong sa Pangkabuhayan Program. 

Ang programang ito ay naglalayon na mabigyan ng pinansyal na tulong ang mga kwalipikadong mga indibidwal na mayroong mga maliliit na negosyo.  Ang nasabing programa ay isa sa mga prayoridad na programa ni Mayor Benito Ochoa katuwang ang SB Committee Chairman on Trade and Industry na si Konsehal Eliza Llovit. Ang implementasyon ng programa ay nasa pangunguna ni Mr. Darius Mirasol na namumuno sa Business Development Office. 

Nagsagawa ng community assessment ang mga kawani ng Business Development Office katuwang ang mga Barangay Kagawad na Chairman ng Livelihood ng iba’t-ibang Barangay ng Daet upang masiguro na mga kwalipikadong indibidwal ang mabibigyan ng tulong pangkabuhayan.