Nakapagtala ng mataas na bilang ng mga nakapasang barangay ang probinsya ng Camarines Norte para sa National Seal of Good Local Governance for Barangay (SGLGB) para sa taong 2024, ayon sa inilabas ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Sa kabuuang 282 mga barangay ng probinsya, tatlumput-siyam (39) na barangay ang mga nakapasa mula naman sa sampung (10) munisipalidad, narito ang bilang ng mga nakapasa kada munisipalidad:
1. Labo – 9
2. Jose Panganiban – 8
3. Paracale – 5
4. San Lorenzo Ruiz – 4
5. Vinzons – 4
6. Basud – 2
7. Mercedes – 2
8. San Vicente – 2
9. Talisay – 2
10. Daet – 1
Ang “Seal of Good Local Governance for Barangay” ay may anim (6) na criteria upang mabigyan ng ganitong parangal. Nahahati ito sa dalawa, CORE at ESSENTIAL. Sakop ng CORE ang Financial Administration, Disaster Preparedness, at Safety and Peace & Order. Samantalang kabilang sa ESSENTIAL ang Social Protection, Business Friendliness, at Environmental Management. Kinakailangang maipasa ng barangay ang kahit tatlong (3) category sa CORE at kahit isa (1) lamang sa ESSENTIAL.
Ang Seal of Good Local Governance for Barangay ay taunang ginaganap upang mas mapabuti ang pagbibigay serbisyo publiko lalo na sa mga barangay.