ALTERNATIVE FILIPINO VERSION NG “HAIL MARY”, INAPRUBAHAN NG CBCP!

ALTERNATIVE FILIPINO VERSION NG “HAIL MARY”, INAPRUBAHAN NG CBCP!

Ang “Ave Maria” ay inaprobahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) bilang alternatibo sa Tagalog-based “Aba Ginoong Maria”, inaprobahan ito sa katatapos pa lamang na plenary assembly ngayong taon.

Sinabi rin ni Msgr. Bernardo Pantin, CBCP Secretary General, na ang bagong bersyon ay hindi kapalit ng naunang bersyon kundi ito ay mas nagbibigay umano ito ng mas akmang bersyon mula sa orihinal nitong latin.

Sabi pa nito, “The revisions are guided by: faithfulness to the original Latin text, bible-based, simplicity, prayerfulness, adaptability to the changing times and in the Philippine context, and the spirit of synodality that all may be one.”

Ginawa ng mga Obispo ang nasabing hakbang bilang parte ng pagdiriwang ng Simbahang Katoliko ng Jubilee Year of 2025.  Kaakibat na rin ng pagdiriwang ng ika-limampung (50th) anibersaryo ng CBCP Pastoral Letter on the Blessed Virgin Mary, Ang Mahal na Birheng Maria, na inisyu noong Ika-2 ng Pebrero 1975.