IMBAKAN NG MGA ARMAS NG KOMUNISTANG GRUPO, NATUKLASAN SA BRGY. BAAY, LABO, CAMARINES NORTE

IMBAKAN NG MGA ARMAS NG KOMUNISTANG GRUPO, NATUKLASAN SA BRGY. BAAY, LABO, CAMARINES NORTE

LABO, CAMARINES NORTE – Isang imbakan ng mga armas at kagamitang pandigma ng mga komunistang NPA ang matagumpay na natuklasan sa Sitio Sugsugin, Barangay Baay, Labo, Camarines Norte bandang 11:30 ng umaga nitong Pebrero 13, 2025.

Sa pamamagitan ng isang masusing operasyon, nadiskubre ng pinagsamang pwersa ng kasundaluhan at kapulisan ang nasabing imbakan. Ang operasyon ay isinagawa sa tulong ng mga sumusunod na yunit: COLTs 161 & 163 Operatives, CIT and MCSST of BCoy PA, 91st SAC, 9SAB, PNP SAF, CN 2ND PMFC, 201st Brigade, 21MICO, 2MIBn, 7ID, PA, 5ISU, AIR, PA, 503rd Maneuver Company, RMFB5, at Labo MPS.

Ang mga narekober na armas at pampasabog ay ang mga sumusunod:

✅ Apat (4) na M16 A1 rifles;

✅ Isang (1) M14 rifle;

✅ Isang (1) M1 Carbine;

✅ Limang (5) Improvised Explosive Devices (IED);

✅ Pitong (7) Improvised Hand Grenades;

✅ Siyam (9) na Improvised Switches;

✅ Apat (4) na rolyo ng Detonating Cord; at

✅ Limampung (50) piraso ng Blasting Caps.

Ang operasyon ay naisakatuparan sa tulong ng impormasyong ibinahagi ng isang dating kasapi ng Communist Terrorist Group (CTG) mula sa KLG1, SRC1, BRPC (PSRL). Siya ay boluntaryong sumuko sa mga awtoridad noong Enero 8, 2025.

Sa kasalukuyan, patuloy ang follow-up investigation at koordinasyon ng Labo MPS sa iba pang yunit ng AFP. Ang mga narekober na armas at pampasabog ay nasa pangangalaga ng 16th Infantry Battalion, Philippine Army para sa kaukulang dokumentasyon at seguridad.

Ang matagumpay na operasyong ito ay patunay ng epektibong koordinasyon at intelligence-driven operations ng ating mga awtoridad. Patuloy ang aming pagsisikap upang mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa ating probinsya.

Source: CNPPO PIO