Isang lalaki ang nasabat sa ikinasang buy-bust operation laban sa iligal na droga ng mga tauhan ng Daet Municipal Police Station katuwang ang mga operatiba ng Provincial Drug Enforcement Unit, at Provincial Intelligence Unit ayon sa koordinasyon sa PDEA ROV dakong 6:20 ng gabi nitong Pebrero 21, 2025 sa Magallanes Iraya, Purok 4, Brgy. Camambugan, Daet, Camarines Norte.
Ang suspek ay nakilalang si alyas na “LEO”, 32 taong gulang, binata at residente ng Brgy. San Felipe, Basud, Camarines Norte.
Ayon sa report, matagumpay na nakabili ang nakatalagang poseur buyer sa nasabing suspek ng pakete ng hinihinalang shabu, dahilan upang agad arestuhin ang suspek.
Kumpiskado sa operasyon ang hindi pa matukoy na bigat at halaga ng iligal na droga. Ang isinagawang operasyon, imbentaryo at pagmarka sa mga nakuhang ebidensya ay nasaksihan ng opisyales ng barangay at kinatawan ng media.
Samantala, ang nasabing suspek ay kasalukuyang nasa kostudiya ng Daet MPS para sa kaukulang disposisyon.

Source: CNPPO PIO