Nagwagi ang dalawang mag-aaral na sina Gabriel B. Asis at Eugene B. Eco mula sa Vinzons Pilot High School ng Bronze Medal sa International Mathematical Olympiad na ginanap sa Chiang Mai, Thailand.
Natalo nila ang labing siyam (19) na pangkat mula sa iba’t ibang mga bansa tulad ng Australia, Brazil, Canada, Hongkong Saudi Arabia at ang iba pang bansa mula sa ASEAN.
Nagpaabot ng pagbati ang DepEd Camarines Norte sa pangunguna ni SDO Cristito Morcilla sa dalawang mag-aaral at maging sa mga tumulong upang makamit ang tagumpay na ito, coach Sir Jason Bargo, Principal Teresita Orendain at education program supervisor Darcy Guy Mañebo na sumama at gabayan mga mag-aaral.


Source and photo: SDO Cristito Morcilla