RANKED 9 MOST WANTED PERSON SA CAMARINES NORTE, ARESTADO NG KAPULISAN!

RANKED 9 MOST WANTED PERSON SA CAMARINES NORTE, ARESTADO NG KAPULISAN!

Naaresto ng kapulisan ang isang lalaking kabilang sa listahan ng Provincial Most Wanted Persons ng Camarines Norte sa isinagawang operasyon ngayong araw, Marso 3, 2025, ganap na 10:30 ng umaga sa Sitio Mandalig, Barangay Cagbalogo, Vinzons, Camarines Norte.

Kinilala ang suspek bilang si alyas “Onyo,” 77 taong gulang, may asawa, at residente ng nasabing lugar. Siya ay itinuturing na Rank No. 9 Provincial Most Wanted Person ng Camarines Norte at nahaharap sa tatlong (3) kaso ng Rape Through Sexual Assault alinsunod sa RA 8353 (Anti-Rape Law of 1997) at RA 11648.

Ang pag-aresto ay isinagawa ng pinagsanib na pwersa ng Vinzons MPS (lead unit), CIDG Camarines Norte PFU, RIU5-PIT Camarines Norte, at Camarines Norte 2nd Provincial Mobile Force Company. Ang warrant of arrest ay inisyu ni Hon. Evan D. Dizon, Presiding Judge ng RTC Branch 40, Daet, Camarines Norte, noong Pebrero 17, 2025, na may itinakdang piyansa na PHP 200,000.00 bawat kaso.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Vinzons MPS ang naarestong akusado para sa kaukulang disposisyon.

Source: CNPPO PIO