Naging matagumpay ang ikinasang buybust operation ng kapulisan ng PDEU Cam Norte/CNPIU (lead unit), katuwang ang mga tauhan ng Daet MPS ayon sa koordinasyon sa PDEA ROV bandang alas 9:47 ng gabi nitong Marso 3, 2025 sa Central Plaza Complex, Purok 4, Barangay Lag-on, Daet, Camarines Norte.
Kinilala ang suspek na si “ Dan “, 38 taong gulang, at residente ng Brgy. Poblacion Norte, Paracale, Camarines Norte. Inaresto ang nasabing personahe matapos na makabili sa kanya ang umaktong poseur buyer ng selyadong plastik na pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu (buy-bust item). Nakuha naman sa kanyang pag-iingat ang tinatayang milyong halaga ng iligal na droga.
Ang pagmarka, imbentaryo at dokumentasyon ng nasabing operasyon ay nasaksihan ng mga mandatory witnesses na kinabibilangan ng nahalal na opisyales ng barangay at kinatawan ng media.
Sa kasalukuyan ay nasa pangangalaga na ng Daet MPS ang nabanggit na personahe para sa kaukulang disposisyon habang inihahanda naman ang kaso para sa Paglabag sa R.A. 9165 laban sa kanya.



Source: CNPPO PIO